Letra Kumpas

Pano bang mababawi
Lahat ng mga nasabi
Di naman inakalang
Ika’y darating lang bigla
Ng walang babala

Sa isang iglap
Nag bago’ng lahat
Hindi ko na kaya
Pa na magpanggap

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo kong niligtas
Ikaw ang hantungan, at aking wakas


Panong maniniwala
Ika’y nasaking harapan
Di naman naiplano
Ako’y mabihag ng ganto
Totoo ba ito?

Sa isang iglap
Nag bago ako
Hindi ko na kayang
Mawalay pa sayo

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo kong niligtas
Ikaw ang hantungan, at aking wakas


Sana’y iyong matanggap
Kung sino ako talaga

Ikaw 'yong kumpas no'ng naliligaw
Naging kulay ka sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumayo
Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko
Kahit no'ng 'di ko alam
Ilang beses mo kong niligtas
Ikaw ang hantungan, at aking wakas