Pano bang mababawi Lahat ng mga nasabi Di naman inakalang Ika’y darating lang bigla Ng walang babala
Sa isang iglap Nag bago’ng lahat Hindi ko na kaya Pa na magpanggap
Ikaw ang kumpas pag naliligaw Ikaw ang kulay sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumadayo Ikaw ang kanlungan na kailangan ko Kahit hindi mo alam Ilang beses mo kong niligtas Ikaw ang hantungan, at aking wakas
Panong maniniwala Ika’y nasaking harapan Di naman naiplano Ako’y mabihag ng ganto Totoo ba ito?
Sa isang iglap Nag bago ako Hindi ko na kayang Mawalay pa sayo
Ikaw ang kumpas pag naliligaw Ikaw ang kulay sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumadayo Ikaw ang kanlungan na kailangan ko Kahit hindi mo alam Ilang beses mo kong niligtas Ikaw ang hantungan, at aking wakas
Sana’y iyong matanggap Kung sino ako talaga
Ikaw 'yong kumpas no'ng naliligaw Naging kulay ka sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumayo Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko Kahit no'ng 'di ko alam Ilang beses mo kong niligtas Ikaw ang hantungan, at aking wakas