Reklamo nang reklamo
sa hirap ng buhay
dito Kapwa
Pilipino kinahihiya mo
Masakit sa pandinig
ko ang sinasabi mo
Siguro'y gusto mong
maging Amerikano
Magpunta ka sa tindahan
sa tapat magpalit ka
ng balat Sikmurang
walang tibay magpalit
ka na ng kulay
Makulit nagpupumilit
bumili ka na ng tiket
Sa Amerika magpiknik
wag ka nang babalik
Reklamo nang reklamo
Gustong maging Amerikano
Reklamo nang reklamo
Ang tatay mong kalbo
Kay dami nang problema
ang iyong makikita
Ngunit ito'y lalala
pa kung aalis ka
Pagtanggap ng pagkatalo
kung ikaw ay tatakbo
At kung ikaw ay susuko
puri mo ay ilako
Reklamo nang reklamo
Gustong maging Amerikano
Reklamo nang reklamo
Ang tatay mong kalbo