Letra de
Purihin Mo Ang Dios Oh Pilipinas

verse 1
May'rong mapalad na bayan
Perlas ng Silanganan
Lupaing likas sa
yama't kagandahan
verse 2
Kahit may iba't-ibang wika
Nagbuklod at nagkaisa
Sa pag-aalay ng
papuri sa Dios Ama
Refrain 1
Sa Pampanga sila'y umaawit
"Purian mi ing Guinu"
Sa Ilocandia sila may nagsasabi
"Umay kaun dayawen tau ni Apo"
Purihin mo ang Dios oh Pilipinas
Isigaw mo ang kadakilaan
ng pangalan N'ya
Bawa't Pilipino'y Magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay Magpugay
Oh bayan kong Pilipinas
Purihin mo S'ya
verse 3
Pag-awit ay 'wag kalimutan
Lagi nang pasalamatan
Sapagkat ang pag-ibig N'ya
Sa ati'y walang hanggan
verse 4
Sa Luzon Visayas at Mindanao
Karangalan Niya'y ating isigaw
Kaya't bawat isa
ay sumama tayo na
Refrain 2
Sambitla ng mga Bicolano
"Oomauon mi an Dios"
Di rin naman pahuhuli
ang mga bisaya sigaw nila'y
"Pagadaygon namu ang Dios"
Purihin mo ang Dios oh Pilipinas
Isigaw mo ang kadakilaan
ng pangalan N'ya
Bawa't Pilipino'y Magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay Magpugay
Oh bayan kong Pilipinas
Purihin mo S'ya
Purihin mo ang Dios oh Pilipinas
Isigaw mo ang kadakilaan
ng pangalan N'ya
Bawa't Pilipino'y Magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay Magpugay
Oh bayan kong Pilipinas
Purihin mo S'ya
Purihin mo S'ya