Letra de
Pasilyo

Palad ay basang-basa, ang dagitab ay damang-dama
Sa 'king kalamnang punong puno, ng pananabik at ng kaba
Lalim sa 'king bawat paghinga, nakatitig lamang sa iyo

Naglakad ka ng dahan dahan, sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan
Hahagkan na't 'di ka bibitawan, wala na kong mahihiling pa

Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw,
Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw

'Di maikukumpara
Araw araw 'kong dala dala, paboritong panalangin ko'y
Makasama ka sa pagtanda, ang hiling sa Diyos na may gawa
Apelyido ko'y maging iyo

Naglalakad ka ng dahan dahan, sa pasilyo tungo sa 'kin at hinawakan
Mo ako't aking di napigilang, maluha nang mayakap na

Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw,
Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw


Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw,
Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw
(Palad ay basang basa, ang dagitab ay Damang-dama sa 'king kalamnang punong puno)
Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw
('di maikukumpara, araw araw 'kong dala-dala Paboritong panalangin ko'y Ikaw)
Ikaw at ikaw, Ikaw at ikaw