Letra de
Pagitan

'di ko alam san sisimulan
kapag ba binitawan makakalimutan?
sana naman mapagbigyan
na kahit konting oras para magpaalam
sana maintindihan
'di ko pa yata kayang hindi ka na
makita pag gising sa umaga
ikaw, ikaw lang naman ang hanap ikaw lang
ang pinangarap noon paano na ngayon
paano tanggaping wala ka na
paano at saan magsisimula?
kung nasan ka man sana mapakinggan
ang aking panalangin na ika'y mahagkan
nang kahit saglit nang ilang sandali
o, san kukuha ng lakas kung ikaw ang dahilan
'di ko maintindihan
'di ko pa yata kayang hindi ka na
makita pag gising sa umaga
ikaw, ikaw lang naman ang hanap ikaw lang
ang pinangarap noon paano na ngayon
paano tanggaping wala ka na
paano at saan magsisimula?
Instrumental
kahit 'di yata kayang hindi ka na
makita pag bangon sa umaga
hindi ko pa man makuha mahahanap
rin ang kalma tulad nung nandito ka pa
hindi na pipigilan ang luha
sa bawat oras na maisip ka
hindi mawawalan ng pagasa
sa pagitan ng wakas at ng simula