Letra Kathang Isip

Diba nga ito ang ‘yong gusto?
Oh heto’y lilisan na ako
Mga alaala’y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing di namamalayang oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung san man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito’y maling akala, isang malaking sablay

Kaya’t pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa’yo
Ako’y gigising na, mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sayo
Lalayo sa


Kung gaano kabilis nagsimula
Ganung katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang ‘di na umasa ang pusong nagiisa

Kaya’t pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa’yo
Ako’y gigising na, mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sayo
Lalayo sa

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Na minsan siya’y para sa iyo pero minsan siya’y paasa
Tatakbo papalayo’t kakalimutan ang lahat oooh
Ooooh oooh


Pero kahit san man lumingon
Nasusulypan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya’t pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa’yo
Ako’y gigising na, mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sayo
Lalayo sa
Diba nga ito ang iyong gusto?
Oh eto’y lilisan na ako