Minsan di ko maiwasang isipin ka,Lalo na sa tuwing nag-iisa
Ano na kayang balita sa iyo? Iniisip mo rin kaya ako?
Simula nang ika'y mawala, wala nang dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga
Kapag ika'y wala
At hiling sa mga bituin, Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim, Ang aking daan na tatahakin patungo
Alaala mong tinangay na ng hangin, Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasaan ka na kaya?
Aasa ba sa wala?
At hiling sa mga bituin, Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim, Ang aking daan na tatahakin patungo
Ipipikit ko ang aking mga mata,
Dahil nais ka lamang mahagkan, Nais ka lamang masilayan
Dahil alam kong tapos na, Dahil alam kong wala ka na
At hiling sa mga bituin, Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim, Ang aking daan na tatahakin patungo
Patungo sa iyo, patungo sa'yo