Letra de
Hiling

Kay layo mo sa akin
Tila isang bituin
Kay layo mo sa 'kin
Kay hirap mong ibigin
Lagi na lang ako
Nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin
Kinakausap ang mga bituin

Aking hiling sa mga bituin
Sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako'y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin
Ng puso mong kay hirap abutin
Hindi man ako
Ang laman ng pangarap mo
Imposibleng ibigin mo
Pagkat di ako ang gusto
Sadyang napakasakit
Malaman ang totoo
Ibubulong ko na lang sa hangin
Ang laman ng aking puso

Aking hiling sa mga bituin
Sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako'y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin
Ng puso mong kay hirap abutin
Lagi na lang ako
Nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin
Kinakausap ang mga bituin

Aking hiling sa mga bituin
Sana ika'y makapiling
Sa paghimbing at sa paggising
Sana ako'y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin
Pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin
Ng puso mong kay hirap abutin