Gaano kadalas ang minsan ka lang mahagkan?
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan.
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa aki'y sindalas ng walang wakas saglit mang magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsanib ang dalawang dibdib, di ba?
(Ngunit kung/Dahil ang) pag-ibig
(Ay/Kung) hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga,
Mabuti nang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan
Hapdi'y walang kasing-dalas.
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan.
(Repeat Chorus)
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?