Walang hangganan hindi magbabago
Kailan pa man sa habang panahon
Ang Iyong salita, Panginoon
Mga halaman ay natutuyo
Langit at lupa ay maglalaho
Ngunit tapat lahat ng sinabi Mo
Karamdaman ko ay mapapawi
Suliranin ko ay magagapi
Kalayaa'y mararanasan ko
Dahil sinabi Mo
Kasalanan ko'y patatawarin
Panalangin ko'y Iyong diringgin
Ang pagtitiwala ko'y sa 'yo
Dahil sinabi Mo
Dahil sinabi Mo
Walang hangganan hindi magbabago
Kailan pa man sa habang panahon
Ang Iyong salita, Panginoon
Mga halaman ay natutuyo
Langit at lupa ay maglalaho
Ngunit tapat lahat ng sinabi Mo
Karamdaman ko ay mapapawi
Suliranin ko ay magagapi
Kalayaa'y mararanasan ko
Dahil sinabi Mo
Kasalanan ko'y patatawarin
Panalangin ko'y Iyong diringgin
Ang pagtitiwala ko'y sa 'yo
Dahil sinabi Mo
Dahil sinabi Mo
Kalayaa'y makakamit
Sulirani'y magagapi
Kalayaa'y makakamit
Dahil sinabi Mo
Sala'y patatawarin
At palaging diringgin
Puso ay magtitiwala
Sa sinabi Mo