Letra de
Alumni Homecoming

Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon
High School pa tayo nung una kang makilala
at tandang-tanda ko pa noon pa may sobrang lupit mo na
Hindi ko alang alam kung pano basta biglang nagsama tayo
di nagtagal ay napaibig mo ako
Mula umaga hanggang uwian natin laging magkasama tayong dalawa
parang kahapon lang nangyari sa akin ang lahat
tila isang tulang medyo romantiko ang banat
ngunit ng napag-usapan bigla na lang nagkahiyaan
mula noon hindi na tayo nag-pansinan

At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng hindi inaasahan
parang nasayang lang
nawala na wala ng nagawa

Panay ang plano ngunit panay ang urong
at inabot na ng dulo ng taon
Graduation natin nung biglang nag-absent partner ko
tadhana nga naman naging mag-partner tayo
eksakto na ang timing
planado na ang sasabihin
ngunit hanggang huli
wala akong nasabi

At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng hindi inaasahan
parang nasayang lang
nawala na wala ng nagawa


Napatunganga nung bigla kitang nakita
pagkalipas ng mahabang panahon
sobrang alam ko na ang aking sasabihin
at akoy napailing sa ganda ng ngiti mo sa akin
at ng ikaw ay nilapitan
bigla na lang napaligiran
ng yong mga anak mula sa
pangit mong asawa
At bakit ko ba pinabayaan
mawala ng hindi inaasahan
parang nasayang lang
nawala na wala ng nagawa