Letra de
Tulungan Natin

Ako'y umiiwas sa away at gulo
Maraming maiinit at mahilig sa basag ulo
Bakit kailangan pang manakit ng kapwa
Kailangan pa bang tayo'y maging siga?
Kung tayo ay talagang matatapang
Bakit hindi natin harapin ang ating sarili?
Sawang sawa na tayo sa mga palabas
Hukayin naman natin ang nasa ating loob.
Tulungan natin ang mga bulag
Tulungan natin ang mga bingi
Tulungan natin ang mga ligaw
Tulungan din natin ang ating
ang ating sarili Oy!
Matuto na tayong gumalang sa ating sarili
Matuto na tayong umunawa ng kapwa
Tayo'y magsikap upang tayo'y umunlad
Limutin na natin ang ugaling tamad.
Iwasan na natin ang ating mga ilusyon
Ikalat na natin na tayo'y isang nasyon
Kahit hindi tayo magkakakilala
Tayo'y magkakapatid at magkakasama
Tulungan natin ang mga bulag
Tulungan natin ang mga bingi
Tulungan natin ang mga ligaw
Tulungan din natin ang ating
ang ating sarili Oy!
Instrumental
Kahit hindi tayo magkakakilala
Tayo'y magkakapatid at magkakasama
Tulungan natin ang mga bulag
Tulungan natin ang mga bingi
Tulungan natin ang mga ligaw
Tulungan din natin ang ating
ang ating sarili Oy!