Letra de
Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-ibig

Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso't kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magwalay
Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo . . .
Oh ohowo . . .
CHORUS II
Pag - kat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal . . .
Haaa haahahaaa
Pag - kat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong . . . .
nagmamahal
Diyos ay pag-ibig