Paano kaya mapapansin
Pag-ibig kong ito laging bitin
Panay, sulyap, puro tingin
Hindi na nga talaga lilingunin
Lagi nalang nasasaktan
Puso kong itong nagdurusa
Laging pinipilit, pag-ibig ko sayo'y dinggin
Chorus:
Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin ma lang kita sa langit
Marahil doon puro pag-ibig
Siguro naman ako ay pansin
Pagbibigyan na sa aking mga hiling
Paano kaya mararamdaman
Pag-ibig mong laging asam
Marahil nga doon nalang sa langit
Chorus:
Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit
Lagi na lang kitang nakikita
Tila ba isang madilim na ulap
Walang kasinag sinag
Para sa aking pag-asa
Ako ay may kaba
Ako ay nag-aalala
Kung tayo ba ay magkikita sa langit
Doon sa langit
Sana sa langit
Sana sa langit
Ang tanging pag-asa ko na lang ay langit