Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Parang ice cream na bilad
Sa ilalim ng araw
Ano ba naman ang sekreto mo
At di ka maalis sa isip ko
Ano bang gayuma ang gamit mo
At masyado akong patay sa 'yo.
Di na makatulog, di pa makakain
Taghiyawat sa ilong pati na sa pisngi
Sa kakaisip sa 'yo, taghiyawat dumadami.
Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Tuwing daan sa harap mo
Puso ko'y dumudungaw
Kailan kita makikilala
Sana'y malapit na
Malapit na.