Letra Paubaya

Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan, nung ako'y 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal


Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay, nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo'y siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
Wag kang paluhain, at alagaan ka niya


Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo'y siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Wag kang paluhain, at alagaan ka niya


Ba't di ko naisip na merong hanggan
Ako yung nauna,
pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya,
Pinapaubaya,
Pinapaubaya, ko na sa Kanya