Nakapuwesto sa paboritong lugar
parang nakakuwadro sa bentanilya ng kumi
sa inaaninaw ang di makilalang alas sais
areglado nang umandar
Hinaharap ang lahat na dapat magsipanik na ng bahay
mga lasenggo?t sugarol, imbi?t tampalasan, mga tarantado
silang wala nang inatupag kundi maglandian sa lansangan.
Pati na yata ang araw na di pa kursunadang pagbigyan
ang nagririnyegong karimlan
Walang awat silang kinakatkatan ng
gayung-kasi?y may pagkauliyanin na
hindi na matandaan kung sinu-sino sila
verse 2
Hindi na matandaan ang puno?t dulo ng paghihimagsik
na parang atakeng nandiyan na lang tuwing alas sais
Orasyon ? biro namin ? panatang walang hanggan
nang di raw mapariwara ang kaluluwa ng lansangan