Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong
Kahit na ano'ng mangyari, kahit na saan ka man patungo.
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya.
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na ano'ng gawin, lahat ng bagay ay mayrong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilit na buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan, baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.