Letra de
Magsiawit Sa Panginoon

Magsiawit kayo sa Panginoon,
Alleluia, magsiawit sa Panginoon.

Purihin, purihin ang Kanyang Pangalan,
Ipahayag, Ipahayag ang dulot niyang kaligtasan.

Magsiawit kayo sa Panginoon,
Alleluia, magsiawit sa Panginoon.

Kayong mga angkan, maghandog sa Poon
Luwalhati at papuri, ialay sa Panginoon.

Magsiawit kayo sa Panginoon,
Alleluia, magsiawit sa Panginoon.

Dakila ang Poon, dapat na purihin
Siyang nagbigay, Siyang nagbigay ng langit sa ating lahat.

Magsiawit kayo sa Panginoon,
Alleluia, magsiawit sa Panginoon.