Letra Lapit

Bigla kang dumating hindi ako handa
Kakatayo ko lang sa pagkakadapa
Huwag kang magtaka kung ako'y nangangamba
Hindi ko alam kung saan to papunta
Paano ba ginawa ang tulad mo
Unti-unting naaaning ang puso ko
Ikaw pa ang lumalapit sa akin
Hindi ko pa yata kayang pilitin
Ikaw na ang lumalapit sa akin
Hindi mo na yata kailangang pilitin
Natapos din ang bukas para sa bagong simula
Malilimutan din ang dating alaala
Sa isang bagong kabanata
Sana doon ka magpakita
Sana ikaw ang makita
Darating din ang oras
Kailangan lang nitong lumipas
Repeat
Ako ang lalapit para sa atin
Nakikita ko ang ibig mong sabihin
Ako nang lalapit para sa atin
Wala nang dapat pang isipin (repeat)
Wala na
Wala na..