Verse
O, aking kaibigan na namumungay ang mata
Dahil lang sa usok na hindi ibinuga
Mayroon pa ba diyan, pahingi naman
Upang ang pangit ay magiging maganda
Kumikislap na ilaw, o kay gandang tignan
Kung tanungin mo siya, iisa ang dahilan
Nababangga sa poste sa malawak na daan
Sa tanghaling tapat nakakita ng buwan
O aking kaibigan na merong dala
Ilabas mo na, kitang kita sa mata
Instrumental
Langaw na dumaan sa harapan niya
Ay kinausap niya at napatulala
Pagkat buong akala'y madadaganan siya
Oh oh ohh, ang sabi pa niya
O aking kaibigan, alas ang tinira
Tinodo na lahat, tumirik ang mata
O aking kaibigan na di na nadala
Pagkaraan ng araw ay aking nakita
Naglalakad ng mag isa at nagsasalita
Siya?y naging dakila, dakilang tanga