Letra de
Kawangis

Kapag sumilip ang buwan
Sa sulok ng iyong bintana
Hahaplusin ka ng liwanag
Sa gabing tulog ang Ingay.
II.
At naglalaro sa isip
Ang tawag ng kamusmusan
Sa kulay ng talang tahimik
Maglalaro sa kanyang ilaw.
Ayaw matulog ng buwan,
Nakayuko lagi sa lupa,
Kahit dilim ay nakabalot,
Nakangiti sa kalawakan.
III.
Kaibigan kung may galit
Sa kapwa mo na magpatawad
At sa mga maling akala
Ang walang malay ay malaya.
IV.
Tulad ng layaw ng buwan
Inaaliw ang iyong lumbay
Sa lawak ng gabing bughaw,
Liwanag niya'y kawangis ng ngiting may laya
Oooooooahh.
Ang buwan
Oooooohh, aaaahhh
"fades out"