Naisip kong ika'y haranahin
paraan para ako'y makaamin
Balak kong ika'y aking pasayahin
Ako kaya'y iyong sasagutin
Nagpunta sa inyong bahay
At ako'y naghihintay
Kumanta ng walang tigil
Hanggang ika'y makapiling
Iniibig kitang tunay
Makapiling habang buhay
Haranahin ng walang humpay
Sayo ako nababagay
Hinarana kita di ka pumapansin
Problema natin ating lulutasin
Lahat ay gagawin
Lahat titiisin