Noong una pa lang kitang nakilala
Tumibok na ang puso ko sa'yo
Kung pwede lang sana kitang ligawan
Kahit hindi ako ang tipo mo
Ang pag-ibig ko sa iyo, ay totoo
Tuloy ang pangarap at dasal ko
Pag nakita ko, ang ganda mo
Umiiyak sumisigaw ang damdamin ko
Minahal kita, walang iba
Mananatili ‘to, habangbuhay
Ang pag-ibig ko’y para lang sa iyo
Ingatan at ‘di na bitawan
No’ng sinabi mo, na mahal mo rin ako
Maliwanag na ang mundo ko
Kaligayahan ko’y sagad, hanggang langit
Kahit anong problema’y kaya yan
Salamat at ikaw, sa akin dumating
Sa Diyos ay ikaw, dinalangin
Hwag kang mag-alala, sa pag-ibig ko
Ikaw lang nag-iisa, sa puso ko
Repeat Chorus then Transpose F
Minahal kita, walang iba
Manatili eto habangbuhay
Etong pag-ibig ko’y para lang sa iyo
Ingatan at di’ na bitawan
Etong pag-ibig ko, para lang sa iyo
Ingatan at di’ na bitawan