Sa pagpatak, ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto ang pintig ng puso
Ikaw, ang pinangarap-ngarap ko
Simula noong matanto
Na balang araw iibig ang puso
Ikaw, ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw, ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Humihinto, sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso
Pagkat, nasagot na ang tanong
Nag-aalala noon pag may magmamahal
Sa 'kin ng tunay
Ikaw, ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw, ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
At hindi pa, ko umibig
Ng gan'to at nasa isip
Makasama ka ng habambuhay
Ikaw, ang pag-ibig na hinintay
Puso ay na lumbay nang kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw, ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Ikaw, ang pag-ibig na hinintay
Puso ay na lumbay nang kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw, ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.