Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't huwag mong bitawan
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang
Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali, palayain ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali palayain ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
At sa bawat minuto ako'y di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa 'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?
Kahit sandali, palayin ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sating dalawa ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin.