Letra de
Bugtong-bugtong

May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao, ngunit mayro'ng ulo
Kadalasang kasama ay mga kapintero
At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato
Kailangan pukpukin ng martilyo
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon
Hindi hayop, hindi tao, mayro'ng buto't balat
Mahaba ang bituka at ito'y lumilipad
Kapag hindi mahangin, ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon
May dila nga, ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila't laging magkasama ang isa't isa
Itali o igapos, kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa 'yo ay sasama
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon
Mayroong araw, mayroong buwan, hindi naman langit
Mayro'ng katapusan, ngunit muling nagbabalik
Tumatanda, ngunit isang taong gulang lagi
Wakas n'ya ay ipinagbubunyi
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon
Bugtong bugtong, subukin kung ito'y matutugon