Letra de
Barong Tagalog

Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong tagalog na sadyang makisig
Mahaba-habang panahong nawaglit sa ating isip
Na ito'y damit ng bansang kay hirap malupig
PRE- CHORUS:
Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina

Sa sariling bayan nati'y alinsangan
Makapal na kayoy hindi kailangan
Ang barong tagalog kahit sinamay lang
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang
Nang maghimagsik itong ating bansa dahil sa paglaya
Ang barong tagalog natin ay dakila
Pagka't siyang ginamit ng bayaning namayapa