Letra de
Bahay Bahayan

Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Bata pa tayo nun at walang kamuwang muwang
Magkalarong lagi at may tuksuhan
ng musmos na isipan sa bahay-bahayan
Laging bulong noon ng aking damdamin
Ang nadama sa'yo na di pa pwedeng aminin
Unti unti mong pag ganda'y nasaksihan
Tinatanaw tanaw, iniingat ingatan
Sayang naman
Hindi mo pa ito alam
Sayang naman
Maghihintay na lang
Sa bahay-bahayan puno ng kasiyahan
Mga ngiti mong tila may kahulugan
Sa mura mong edad ako'y may kasalanan
Sa lihim kong di dapat pa sa kabataan
At dumating na nga ang tamang panahon
Binata na ako at Dalaga ka na ngayon
At dumating din ang kinatatakutan
Hindi ako pagkat iba pala ang iyong nagustuhan
Sayang naman
Itong inaasam asam
Sayang naman
Bat nagkaganyan
Sayang naman
Itong inaasam asam
Sayang naman
Bat nagkaganyan
Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Kaya dama ko pa ang sakit na naranasan
Hindi biro ang ganitong kapalaran
Na kay tagal tagal ko nang pinanghihinayangan
Sayang naman
Itong inaasam asam
Sayang naman
Bat nagkaganyan
Sayang naman
At di na pwedeng balikan
Sayang naman
Itong Bahay bahayan