Letra Aso

ako'y may alaga asong mataba
bunto't ay mahaba makinis ang mukha
mahal niya ako mahal ko rin sya
kaya kaming dalawa ay laging magkasama
Solo
kung ako ay aalis siya'y sumusunod
sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
mahal niya ako mahal ko rin sya
hindi lang sya alaga kaibigan ko pa
Solo
kahit hayop ay dapat ring mahalin
lalo't maamo at masunurin
sila'y alagaan at wag pababayaan
tao at hayop may unawaan
Solo
sa aking pag iisa aso ko ang kasama
sa aking pagtulog katabi ko sa kama
mahal niya ako mahal ko rin sya
pag lalambing niya aking damang dama
Solo
pag siya'y binabato aking pinagtatanggol
pag akoy inaaway kanyang tinatahol
mahal niya ako mahal ko rin sya
kaibigan tunay sa hirap at ginhawa
kahit hayop at dapat ding mahalin
lalo't maamo at masunurin
ngunit minsan ay di mo rin akalain
ang pangyayari ay nagbabago rin
Solo
Kahol sya ng Kahol ang aso ko'y nauulol
laking gulat ko pati ako ay hinabol
mahal niya ako mahal ko rin sya
kaya ganon nalang ang aking pagtataka
Solo
ako'y may alaga asong mataba
bunto't ay mahaba makinis ang mukha
kinagat niya ako kinagat ko rin sya
ang kawawa kong alaga pulutan ko na
Solo