Iisipin ng iba na ako'y abang aba
Dahil sa kasuotan kong ito
Ang pantalon ko'y may butas
Ang laylayan ay tastas
May tagpi ang kupas na polo ko
Refrain
At kung ito'y sanhi upang kasuklaman
Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan
Pagka't ako'y (tao/taong)
(Na may buto't laman /)
(Husto ang isipan)
Tulad nila sa daigdig ay may karapatan
Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang
Dahil ang naabot ko'y mababa lang
Iisa ang diploma, marka'y pasang awa pa
Nakamit sa isang mababang paaralan
(Repeat Refrain)
May dugo at may laman
May puso at isipan
Ako'y tao na mayro'ng pakiramdam
Kahit na inaaba at ituring pang mangmang
Ako'y tao na walang pakialam
(Repeat Refrain)