Letra de
3 15

Ito ang langit sa lupa
Walang makakaabala
Walang ganang pumatak mga luha
Ako ang baril, ikaw nagpapaganang bala
Sa init ng titig
Ako pa ri'y napapaisip
'Di basta basta na maakit
Puso at utak, magkapit-bisig

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng-

Humahampas ang hangin ng katotohanan
Ngunit ayaw kong malanghap nang tuluyan
Ayaw kong maramdaman
Pilit na iniiwasan
'Di matakasan kakaibang nararamdaman
'Di ko mapigilan, 'di ko rin mahindian
Hinahanap-hanap ko't binabalik-balikan
Laging ganadong dumayo ga'no man kalayo
Ikaw ang pahinga ko't sa'yo ay kalmado

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng-

Ikulong mo ako
Ikulong mo ako
Ikulong mo ako
Sa mainit na mga bisig mo
Bubulong ko sa 'yo
Bubulong ko sa 'yo
Bubulong ko sa 'yo
Mga nais ko na malaman mo

Papalapit na ang takipsilim
Kasabay ng pagdilim ang mga lihim
Anino sa paligid, may gustong sabihin
Dami ng mga mata, bakit 'di marinig
'Di ko matanggi, puso nagwagi
Utak balisa, sa 'yo ay sabik na sabik na sabik
Bigkas ng bibig, halik sa leeg
Saksak sa dibdib, bilib na bilib
Ngiti at halik mo'y hanap ko
Akin na, hangin na galing sa labi mo baka pwede pa, kakaiba
Bukod-tangi at laging ganadong dumayo
Sa 'yo ay kalmado
N.C.

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras