Lyrics of
Titibo-Tibo

Titibo-tibo is a song written by Libertine Amistoso and performed by Moira Dela Torre, winner of the Himig Handog 2017. The song talks about the transformation of a girl who considered her preferences and appearance as masculine before falling in love with a man. It reflects the change in behavior and appearance in the name of love, reinforcing the message that love has no defined shape and that people can change for those they love.

Elementary pa lang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin
Nung ako’y mag-high school ay napabarkadasa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na
tshirt at faded na lonta

Pero noong nakilala kita nagbagong bigla
ang aking timpla natuto ako na magparebond
at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na sa
akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag
sa tulad kong tigreng gala

Kahit ako’y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok parin sa’yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa’king buhay nagpapasarap


Nung tayo’y nag-college ay saka ko lamang
binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe
Kaya nga noong makilala kita alam mo na agad na
mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas ang
pagsuot ng bestidang pula
Pero di mo naman inasam na ako ay
magbabagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na
kape ng iyong pagmamahal

Kahit ako’y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok parin sa’yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa’king buhay nagpapasarap