Nag-ring ang telepono,
Alas-kwatro ng umaga
Ang sabi ko, "Hello, sino ito?"
'Di ka nagsalita
Tinanong ko, "Henny, 'kaw ba 'yan?"
Sumagot ka, "Oo"
Ikaw ay umiiyak, 'di ako kumibo
Matagal tayong tahimik, Tapos bigla kang umimik
Iyong kwinento na nanggaling ka sa clinic
Tinanong kita kung bakit, at sinabi mong meron tayong problema
Dahil sa pregnancy test mo kay doktora ikaw ay pumasa
Wala akong nasabi, (ay teka muna, meron pala)
Naitanong ko sa'yo, kung sigurado ka ba talaga.
Sigurado ka ba na ako?
Sagot nya sa'kin, "Oo, gago"
'Di ko alam ang gagawin
Hindi ko alam so bigla kong hinang
Kunyari bigla na lang naputol, ahh
Masyado pang maaga, baka hindi ko kaya
'Di ko alam ang gagawin
Hindi ko alam, hindi ko alam
Sinagot ko ang telepono, alas-singko ng umaga
Ang sabi ko, "O, ba't mo binaba?"
'Di ka nagsalita
Tinanong ko, "so, ano ngayon ang plano mo?"
Sumagot ka, "Ikaw"
Sumagot ako, "Ako, bakit ako?! Ikaw!"
Sumagot ka, "Bakit ako lang?"
Bigla 'kong natauhan, pareho tayong may kasalanan
Imbes na makipag-away, lumunok ako ng konting laway
Ito ang gating gagawin, pag-iigihan natin
Isipin natin na kailangan
Ano kaya ang magandang pangalan