Lyrics of
Tayo-tayo Lang

Bago ka kusang lumisan
Teka lang kaibigan, wag mo sanang kalimutan
Ang ating pinagsamahan, ang bawat sandali
Na nangyari ngayong gabi
Sayang naman, kung di mo tatapusin ang huling awitin
Wag ka nang mahiya, tayo-tayo lang nandito
Sama-sama nyo akong sabayan
Isang kanta pa ang natitira
Wag mo akong iwang mag-isa
aaaahh Woohh oohh oh
Bago ka bumalik, sa mundong kinagisnan
Lubusin ang kasalukuyan
Alam kong bayad mo na, ang pananagutan
Pero sana ako'y suklian
Sayang naman, kung di mo tatapusin ang huling awitin
Wag ka nang mahiya, tayo-tayo lang nandito
Sama-sama nyo akong sabayan
Isang kanta pa ang natitira
Wag mo akong iwang mag-isa
aaaahh Woohh oohh oh
Hintayin mo na munang hilo'y na mawala
Sabayan n'yo muna ako
La lalalala lalalala lalalalala
La lalalala lalalala lalalalaaaaahh
Wag ka nang mahiya, tayo-tayo lang nandito
Sama-sama nyo akong sabayan
Isang awit pa ang natitira
Wag nyo akong iwang mag-isa
aaaahh Woohh oohh oh
Wag mo akong iwang mag-isa.