Minsan, isang araw
Puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo
Di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y
Di na mapagkatiwalaan
verse 2
Umasa sa iyo
Di na mabibitawan
Na baka sakali lang
Di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran mo'y
Di mapagkatiwalaan
Pre-Chorus 1
Kaya't pipikit na lang
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
verse 3
Langit ang natanaw
Pangarap ay ikaw
Lupa ang nabigay
Di nakapaghintay
Sana nagpatintero
At naiwasan ang impyerno
Pre-Chorus 2
Kaya't pipikit na lang
At baka sakali lang
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan
Bridge
Pagdating sa dulo
Ako'y nasaktan mo
Sinubukang ipaglaban
Sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin
Ang di naman para sa akin
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan (2x)
Outro
Nung di pa naiwan
Nung di pa naiwan
Nung di mo iniwan