Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa’yo?
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta
Ba’t di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang
Hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa’yo
Saan nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba’t di pa sabihin
Ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin?
‘Wag mo ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako’t nakikinig sa’yo