Lyrics of
Slt Storya Lang To

Nagsimula lahat
Sa isang istorya
Na tayo ang bida
Aking pinangarap
Na ika'y makasama
Bakit sa isang pelikula

Alam kong bawal mahulog sa'yo
Dahil kathang isip lang ito

Ikaw ang prinsesa, ako ang prinsipe
Tayo'y pinagkasundo
Ngunit sa 'storya lang na 'to
Bakit ba ganito
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Bakit istorya lang ito?

Sa istorya na ito na pinapangarap mo
Habang yakap-yakap ka ako'y tuwang tuwa
Ako ay maligaya sa tuwing ika'y kasama (Sa tuwing ika'y kasama)
Bakit hindi nalang totohanin ang lahat (Bakit hindi nalang totohanin ang lahat)

Lahat ay nabago
Ang dati'y istorya ngayo'y nagkatotoo

Ikaw ang prinsesa (Ikaw ang prinsipe)
Tayo ay pinagkasundo (kasundo, ngunit sa 'storya lang na 'to)
Ngunit sa storya lang na 'to
Bakit ba ganito
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Bakit istorya lang ito?

Nagmula sa isang istorya
Na napunta sa pag paparaya
Dahil minsan ko nang binatawan ang salitang
Pipiliin kita, kahit pinili mo siya
Tatalikuran ang lahat at tutungo sa landas
Na kung saan may bukas at pag asa
Ang pag-ibig nating dalawa
Hihigitan ko ang liwanag ng buwan
At hihigpitan ko ang kapit sa'yong mga kamay
Tatapatan ko ang kinang ng bituin
Para lang ako'y iyong ibigin
Lalampasan lahat ng lungkot
At aalisin lahat ang gusot
Sana'y ikaw at ako ang nasa isip mo
Ako na handang mag sakripisyo
Ako na mahal na mahal ka
At ako na handang magparaya at handang palayain ka
Hihilingin sa itaas na sa pag dilat ng mga mata
Maging totoo lahat 'to, kahit kathang isip ko lang ito.
Bigla nalang nagising ('di pala ikaw ang hinahanap)
Pagkakasundo'y biglang itinigil (ng puso ko)
Paano na ang pangarap ko (mo)
Siya parin pala ang sigaw ng puso mo (ko)

Ikaw ang prinsesa, ako ang prinsipe
Tayo'y pinag kasundo
Ngunit sa 'storya lang na 'to
Bakit ba ganito
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Ikaw ang prinsesa, ako ang prinsipe
Tayo'y pinagkasundo
Ngunit sa 'storya lang na 'to
Bakit ba ganito (Bakit ba ganito)
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Ikaw ang prinsesa, ako ang prinsipe
Tayo'y pinag kasundo
Ngunit sa 'storya lang na 'to
Bakit ba ganito
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Ikaw ang prinsesa, ako ang prinsipe
Tayo'y pinagkasundo
Ngunit sa 'storya lang na 'to
Bakit ba ganito (Bakit ba ganito)
'Di pwedeng totoo
Na maging akin ka
Pang habang buhay na ito
Bakit sa 'storya lang ito
Istorya lang ito