Lyrics of
Sanay ‘Di Nalang

Ginawa ko naman lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko lahat ng oras ko sa’yo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal

Pero parang wala lang sa’yo ang lahat
Ng mga paghihirap ko

Sana’y ‘di nalang kita nakilala
Sana’y ‘di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana’y ‘di nalang kita minahal


‘Di na sana nagising sa magandang panaginip
Kung madaratnan ko lang ang umagang kay sakit
‘Di na sana niyakap ang kunwari mong pagtingin
Para ‘di ako nasugatan sa ginawa mong patalim

Pero parang ayos lang sa’yo ang lahat
Kahit na ako'y sugatan

Sana’y ‘di nalang kita nakilala
Sana’y ‘di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana’y ‘di nalang kita minahal

‘Nung una kitang makilala halos napakasaya ko
Halos di maipinta ang mga ngiti sa labi ko
‘Yung tipong sabay tayong nag gu-good-morning sa isa’t isa
‘Yung tipong sabay tayong nag-aalala
At tanong na kumain ka na ba at asan ka
‘Yung lambing na ‘di na tayo mapaghihiwalay
Kaso lahat ng ‘yon ay akala ko lang pala
Dumating ang umaga na nagbago kang bigla
‘Yung lambing, pagmamahal tuluyan na ngang nawala
Nasan na ‘yung dating ikaw, ‘yung dating ikaw
Na kapag kasama ko ‘yung puso koy humihiyaw
Mahal, miss na miss na kita. Kailan ka ba babalik?
Miss ko na ang ‘yung yakap at tamis ng yong halik
Pero kung usapan pagbabalik
Mukhang malabo na dahil lahat ng pagkukulang ko
N.C.

Sana’y ‘di nalang kita nakilala
Sana’y ‘di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana’y ‘di nalang kita minahal

Haaah. . .Minahal