Verse
Iguhit mo ako ng isang magandang pook
Ng simbahang nakatayo sa ibabaw ng bato
At aking ipapakita ang kahoy na may pugad
Sa duyan ng hangin, sa ibabaw ng ulap
At sa paglubong ng araw, biyoletang hapon
Sa kintab ng dahon, bituin sa itaas
At sa iyong paligid, sa anino ng sigag
Mga matang nagmamasid, hindi mo nakikita
At sa iyong pagkukwento iyong isalaysay
Ang nangyari sa bayan nang naiwan ni Rizal
Ano ang habilin ng taong sugatan?
Sa taong naligid ng kandila't bulaklak
At aking ipapakita, isang taong gahaman
Nabalot ng putik na nanggaling sa ulan
Hanggang sa panaginip ay mabasa na rin
Naiwan sa kanal, sa tubig ng bansalan
"Saan naroroon ang fiesta?" ang tinanong
Ng aking kababayan sa aming pagsalubong
Ako ay pababa na sa pinanggalingan
Ng nais mong marating
Doon sa bayan, sa malayong silangan
Kung saan naroroon, kung nasaan ka man
Isang magandang pook, kung nasaan ka man
Doon sa malayong silangan