Lyrics of
Sa Ihip Ng Hangin

nakatingin sa kalangitan
mga bituin ang pinagmamasdan
sa ihip ng hangin ako'y dinuduyan
na para bang nasa ulap.
sa gitna ng kadiliman
liwanag ang kasiyahan
ang aking nararamdaman
kasi ikaw ay nariyan.
huwag na sanang magwakas
ang himig ng katahimikan
ang ligayang nararamdaman
ngayon ko lamang nakamtan.
sa pagsayaw ng mga dahon
ay aking pinagmamasdan
mata mong may kalungkutan
ala-ala ng nakaraan.
Interlude
Bridge
sana ay iyong makita
damdamin kong nag-aalala
para yatang nabulag kana
puso mo'y pag-aari na ng iba.
sana ay iyong madama
kapag ako'y kasama mo na
ipikit lang ang iyong mga mata
kalungkutan mo'y biglang mawawala.