Lyrics of
Ngayon At Kailanman

Ngayon at kailanman, sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman, hindi ka na mag iisa
Ngayon at kailanman, sa hirap at ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina, maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo, ng maitadhanang
Ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapaglingkuran hirang
Bakit labit kitang mahal, pangalawa sa Maykapal
Higit sa aking buhay
Refrain
Sa bawat araw ang pag ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di na gumagalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman
(Repeat Refrain)
Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Langit may kasama ka (ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman