Lyrics of
Nais Ko

Nais kong maihip ng hanging
Walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin
Kungdi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad
Nais ko ring maagos ng alon
Saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin
Hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy
Chorus
Nais kong malibot ang mundo
Sa kanyang kasuluk sulukan
Nais kong makita ang paligid kong
Puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin
Kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay
Wala nang hangarin pang tunay
Nais ko, nais ko
Bridge
Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay bagay
Na di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit ulitin pa ang buhay ko
(Nais kong maihip ng hanging)
(Walang patutung'han)
(Parang ibong wala ring hangarin)
(Kungdi ang lumipad nang lumipad)
(Nais kong lumipad)
(Repeat Chorus)
ko
Nais kong maulit pa
Ulit ulitin pa ang buhay ko
Nais ko