Lyrics of
Mata Sa Mata

'Di na naman mapakali
Paano ko ba sasabihin
Kinakabahan 'pag nasisilayan
Kailan kaya makakayanang
Sabihin na

Gusto kita na makasama hangga't 'di pa huli
Dito ka lamang tumabi sa 'kin kahit sandali

Oh woah oh
Sasabihin ko sa 'yo
May pagtingin ako
Hiling makita mo
Mata sa mata

'Di namalayang nakangiti
Larawan mo sa aking isip
Pagod ka na ba matratong mali
Handa mo na ang 'yong sarili kasi

Gusto kita na makasama hangga't 'di pa huli
Dito ka lamang tumabi sa 'kin kahit sandali

Oh woah oh
Sasabihin ko sa'yo
May pagtingin ako
Hiling makita mong
Mata sa mata

Oh woah oh
Hayaan mo ako, iparamdam sa'yo
Pag-ibig na ito'y mata sa mata