Lyrics Mahika

 Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa’kin
Tila merong pahiwatig, ako’y nananabik
‘Di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
Ang ‘di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso

Giliw, ‘di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, Amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa’yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan (Sisimulan)
Binibigyang kulay ang larawan na para bang…
Ikaw ang nag-iisang bituin nagsisilbing buwan na kapiling m
Sa likod ng mga ulap ang tayo lamang ang tanging magaganap

Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso

Giliw, ‘di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, Amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa’yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita

Gusto kita, gusto kita, gusto kita, gusto kita
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (Gusto kita, gusto kita)
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Ako’y nabihag mo na


Ako na nga’y nabihag mo na
Hindi naman talaga sinasadya
‘Pagkat itinataya ata tayo para sa isa’t isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa’yo ang
da da-da-damdAmin ko
da da-da-da-da-damdAmin ko

Giliw, giliw, giliw
Napagtanto na gusto kita