Lyrics of
Kundiman

Para kang asukal
sintamis mong magmahal
para kang pintura
buhay koy ikaw ang nagpinta
para kang unan
pinapainit mo ang aking tiyan
para kang kumot
na yumayakap sa tuwing
ako'y nalulungkot

Kaya't wag magtataka
kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
di ako lalayo
dahil ang tanging panalangin
ko ay ikaw

di baleng maghapon na umulan
basta't ikaw ang sasandalan
liwanag ng lumulubog na araw
kay sarap pagmasdan
lalo na kapag nasisilayan ang
iyong mukha
ayoko nang magsawa
hinding hindi magsasawa sa'yo

Kaya't wag magtataka
kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
di ako lalayo
dahil ang tanging panalangin
ko ay ikaw

Bahala na
ayoko munang magsalita
hayaan na muna natin ang
hatol ng tadhana

Kung hindi man tayo hanggang dulo
wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
di ako lalayo
dahil ang tanging panalangin
ko ay ikaw