Lyrics of
Kanta Ni Sam

B7- x24242
sinta
sa gabing madilim
naglalakad sa ilalim
ng mga bituin
sinta, pasensya na
kung hindi pinapansin
ang 'yong hinihiling
na tumingala sa mga tala
dahil kahit sampung libo pa
ang magpakita
mas gugustuhin ko pa rin
tumingin sa sining
ng 'yong mga mata
o sinta, ang makapiling ka
habambuhay na
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
lalo na't alam ko na mahal mo rin ako
sinta
tuwing kasama ka
bakit tila nagiging pelikula
ang mga eksena
kailangan pa ba natin ng mga
nakasulat sa ilalim?
kung naiintindihan naman natin
ang lenggwahe ng ating mga nadarama
hindi ba sinta?
o sinta, ang makapiling ka
habambuhay na
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
lalo na't alam ko na mahal mo rin ako
pag kahawak mo ang aking kamay
pag binabanggit mo'ng aking pangalan
pag sinasabi mo'ng mahal mo ako
o ang mga saglit na ito
ayoko nang matapos
o sinta, ang makapiling ka
habambuhay na
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
kay sarap awitin ng pag-ibig
lalo na't alam ko na mahal mo rin ako