Lyrics of
Kailangan Kita

Sana ay iyong naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig
Tanging ikaw lang ang ligaya
Parang buhay ko'y may taning
Tuwing ika'y nalalayo sa'king tabi
Ikaw ba'y makakapiling ko
Ngayong gabing walang kasinlamig
At muling magigisnan ko bukas?
Bawat nakaw na sandali
Lagi kong hinihiling
Ikaw sa piling ko'y mananatili
Kailangan kita
'Pagkat ang buhay ko ay kulang
Kung ika'y mawawala
Kailangan kita
Sana pagdilat ko
Ika'y nandito na
Sa aking bisig
Ikaw ay yayakapin ko buong higpit
Pangakong hindi ka bibitiwan
Hindi magmamaliw
Pag-ibig ko't himig
Ang puso ko'y 'yong inangkin
Tadhanang kakaiba
Sa aki'y 'tinakda
Magmula nang ika'y dumating
Oh giliw
Do Chorus chords
Kailangan kita
'Pagkat ang buhay ko ay kulang
Kung ika'y mawawala
Kailangan kita
'Pagka't ang puso ko sayo'y
Walang ililigaya pa
Kailangan kita
Sana pagdilat ko'y
Ika'y nandito na
Iyo bang naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig?