I
Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa iyo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko
II
Kaya ngayo'y laging gulong-gulo ang puso ko't isipan
Araw gabi ay pangarap ka at sa twina'y nababalisa
Dahil ba ang puso ko'y labis na umibig sa iyo
Hanggang kailan matitiis ilihim ang pag-ibig ko
Ano ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
sana'y unawain ang pusong sa iyo'y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita
(ULITIN I AT KORO)
Nais kong malaman mo na iniibig kita
Nais kong malaman mo na iniibig kita
STANZA